Higit 50 lugar sa Pampanga at Pangasinan ang binaha bunsod ng patuloy na nararanasang pag- ulan at high tide.
Ayon sa Pampanga Provincial Risk Reduction and Management Office, 27 barangay sa bayan ng Macabebe, Masantol at Guagua ang nananatiling lubog sa baha.
Nasira naman ng baha ang may 35 mga bahay sa Poras kung kaya’t pansamantalang inilikas ang 32 pamilya sa lugar.
Samantala, lumubog sa apat na metrong baha ang 14 na barangay sa Dagupan, Pangasinan.
Bunsod ito ng high tide sa Lingayen Gulf dahilan para tumaas ang lebel ng tubig sa mga ilog at sapa sa lugar.