Pumalo na sa 54 ang mga nasawing miyembro ng Maute Group sa Butig, Lanao del Sur.
Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Western Mindanao Command Spokesperson Maj. Filemon Tan, nagsimula pa noong Huwebes ang intensified military operation laban sa naturang teroristang grupo na sinasabing nasa likod ng extortion at kidnapping activities sa probinsya.
Dahil sa bakbakan, kinailangan namang lumikas ng higit 1,200 mga residente na nanunuluyan sa kanilang mga kaanak sa bayan ng Masiu, Lumbayanague at Marawi City.
By Rianne Briones