Mahigit 50% na o nasa 52. 55% ng 42k Barangay sa bansa ang drug free na.
Ipinagmalaki ito sa DWIZ ni PDEA Spokesperson Derrick Carreon sa gitna na rin aniya ng walang humpay na operasyon nila laban sa iligal na droga.
Sinabi ni Carreon na posibleng tumaas pa ang mga nalinis na barangay mula sa droga kung hindi nagkaruon ng pandemic.
Huwag na nating tingnan na parati na lang sa operations, kung ilan ang naaresto o ilan ang volume ng droga na nakumpiska. Kasi obvious naman yan sir, kitang-kita na almost everyday noong mga nakaraang linggo yung mga napakaraming nasasabat na ilegal na. Tingnan natin yung sa overall program ng mga barangay na clearing program kung saan out of 42,045 Barangays sa Pilipinas ang drug cleared po ay 22,093 or 52.55% at ang nalalabi po na lamang na kailangan nating i-clear hanggang bago matapos ang termino ng ating mahal na Pangulo ay 13,210… na lang po,″ pahayag ni PDEA Spokesperson Derrick Carreon.