Pumalo na sa 580 adverse effect ang naitala ng Food and Drug Administration (FDA) sa mga edad 12 hanggang 17 taong gulang na naturukan ng COVID-19.
Batay sa ulat ng FDA, nasa 19 ang nagkaroon ng serious adverse effect habang karamihan naman ay mild lamang.
Sinabi pa ng FDA, kabilang sa mga naitala side effects ng bakuna sa mga menor de edad ay pagkahilo, pananakit ng ulo, pagtaas ng blood pressure at pagbilis ng pagtibok ng puso.
Matatandaang nuong akinse ng Oktubre nagsimula ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa mga batang may comorbidities na nasa 12 hanggang 17 anyos.
Samantala, nakapagtala naman ang FDA sa buong populasyon ng bansa ng 75 indibidwal na nakaranas ng adverse event matapos maturukan ng COVID-19 vaccines.