Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng mahigit sa 500 bagong kaso ng HIV-AIDS sa bansa.
Ayon sa DOH, sa naturang mga bilang, 36 ang naging full blown AIDS, at 16 naman sa mga bagong kaso, ang nasawi.
Pinakamarami sa mga bagong kaso ay naitala sa Metro Manila, at sinundan naman ito ng CALABARZON na mayroong 102 na bagong kaso, at gitnang Luzon na mayroong 48.
By Katrina Valle | Aya Yupangco