Tinatayang 500 pamilya na ang nagsilikas sa gitna ng nagpapatuloy na bakbakan ng militar at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa boundary ng Datu Unsay at Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao.
Ayon kay Datu Saudi Ampatuan Municipal Administrator Akmad Donia, pansamantalang nanunuluyan ang mga bakwit sa Dapiawan Elementery School at mga Madrasah.
Kabilang naman sa mga apektadong lugar sa Datu Unsay ang Barangay Malangog.
Samantala, magpapatuloy ang clearing operations ng militar sa mga bayan ng Mamasapano, Shariff Aguak, Datu Saudi at Datu Salibo na pinagkukutaan ng BIFF.
—-