Pumalo na sa mahigit 5,000 pasahero ang na stranded sa iba’t ibang pantalan sa bansa bunsod ng bagyong Vinta.
Batay sa tala ng Philippine Coast Guard o PCG, pinakamarami sa mga na-stranded ay sa North Harbor Port sa Maynila na nakapagtala ng 1,230 pasahero.
Sinundan naman ito ng Dapitan Port sa Northern Mindanao na may 1,030 stranded passengers at Tinago Port sa Central Visayas na nakapagtala ng 541 mga hindi nakabiyaheng pasahero.
Samantala aabot naman sa 435 rolling cargo, 62 vessels at 18 motor banca ang hindi nakapaglayag dahil sa bagyo.
Patuloy namang pinaaalalahanan ng PCG ang lahat ng shipping owners at operator na bawal maglayag sa panahon ng bagyo.
—-