Aabot sa 5,300 pulis ang ipakakalat ng N.C.R.P.O. para sa Undas sa susunod na linggo.
Ayon kay N.C.R.P.O. Chief, Dir. Oscar Albayalde, bukod pa ito sa halos 2,000 barangay tanod na tutulong sa pagpapanatili ng kaayusan at seguridad sa Metro Manila.
Ilalagay din anya sa pinakamataass na alerto ang buong kalakhang Maynila.
Kahapon ay nag ikot si Albayalde sa mga terminal ng bus sa Cubao, Quezon City at sa mga mall para mag-inspeksyon.