Nakapagtala ang Department of the Interior and Local Government (DILG) ng mahigit 50,000 face mask violators mula ika-31 ng Mayo hanggang ika-6 ng Hunyo ng kasalukuyang taon.
Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, nasa kabuuang 50,021 indibidwal ang nahuling hindi nagsusuot ng face mask.
Sa mahigit 50,000 na mga lumabag; 28,087 ang binalaan; 17,395 ang pinagmulta; 3,413 ang nag-community service; at 1,126 ang inaresto.
Habang sa social distancing violations; 11,055 ang binalaan; 1,880 ang pinagmulta; 325 ang nag-community service; at 622 ang inaresto.
Ito naman ang bilang ng mga lumabag sa mass gathering; 579 ang binalaan; 28 ang pinagmulta; at anim na sumailalim sa paglilingkod sa pamayanan.
Samantala, patuloy na nagpaalala si Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko na sundin ang ipinapatupad na health protocols upang maiwasan ang paglaganap ng virus sa bansa.