Mahigit 500,000 doses ng Astrazeneca Covid-19 vaccine na donasyon ng South Korea ang dumating sa bansa kagabi.
Ang naturang mga bakuna ay nakalaan bilang pangdagdag sa isinasagawang national vaccination days.
Umaasa naman si South Korean Ambassador to the Philippines Kim In-Chul na makakatulong ang naturang donasyon upang masugpo ang Covid-19 at magandang relasyon ng dalawang bansa.
Sinabi pa ni Kim na may parating pang mga donasyon mula sa kanila.
Nagpasalamat naman si Vaccine Czar Carlito Galvez, Jr., kay Kim sa mga tulong na ibinibigay ng South Korea sa Pilipinas. —sa panulat ni Hya Ludivico