Dumating sa bansa nitong Huwebes ang mahigit 500,000 doses ng Pfizer COVID-19 vaccines na binili ng pamahalaan mula sa Estados Unidos.
Lumapag sa NAIA Terminal 3 pasado alas-9 ng gabi ang eroplanong may lulan ng 556,500 doses ng naturang bakuna.
Dadalhin sa Davao City ngayong araw ang 105,300 doses ng Pfizer vaccine.
Batay sa National COVID-19 Vaccination Dashboard, aabot na sa 99,139,602 doses ang naiturok na bakuna sa buong kapuluan.