Nasabat sa apat na indibidwal ang nasa higit kalahating milyong pisong halaga ng hinihinalang shabu sa lungsod ng Muntinlupa.
Ayon sa otoridad, nakuha sa mga suspek ang aabot sa 77 gramo ng shabu na tinatayang may halagang limangdaan at sampung libo piso (P510,000).
Hindi na pinangalanan pa ng pulisya ang mga suspek pero kilala raw bilang mga supplier ng ipinagbabawal na gamot sa iba’t ibang barangay sa nasabing lungsod.
Kasalukuyan nang nahaharap sa kasong may kinalaman sa ilegal na droga ang mga nahuling suspek. —sa panulat ni Abie Aliño-Angeles