Inaasahang papalo sa mahigit kalahating milyong indibidwal ang dadagsa sa Manila South Cemetery ngayong araw.
Ito ang sinabi ni Police Major Jake Arcilla kung saan kahapon nasa 16,000 na indibidwal ang kanilang naitala na dumalaw sa nasabing sementeryo.
Dahil ito na ang huling araw na holiday at ang November 1 ang nakagawian ng mga Pilipino na dumalaw sa sementeryo para sa kanilang mga mahal sa buhay.
Aniya, taong 2018 nang makapagtala ang Manila South Cemetery ng 500,000 indibidwal na bumisita.
Nananatili namang payapa at maayos ang sitwasyon sa naturang sementeryo.
Samantala, wala namang magiging extension sa araw at visiting hours.