Nakatakdang matanggap ng Pilipinas sa Miyerkules, Hulyo 21, ng mahigit 500K dose ng bakuna mula sa Pfizer-Biontech.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang 562,770 doses ng Pfizer vaccine ay bahagi ng 40 milyong doses na binili ng gobyerno noong Hunyo.
Noong nakaraang linggo nang matanggap ng bansa ang 3.2 million doses ng Johnson & Johnson Vaccine na donasyon ng US government, at 1.5 million SINOVAC vaccines na binili ng gobyerno. —sa panulat ni Hyacinth Ludivico