Umaabot na sa mahigit 50,000 ang COVID-19 testing sa bansa kada araw.
Ayon kay COVID-19 testing secretary Vince Dizon mayroon nang average na testing ang bansa na 51,300 mula March hanggang April 1 kung saan umabot pa ito hanggang 57,800.
Gayunman sinabi ni Dizon, na bumaba rin ang testing lalo’t kung weekend at holidays dahil ang iba umanong laboratories ay hindi nag-o-operate ng kanilang 100 capacity.
Una rito, sinabi ni Vice President Leni Robredo na kailangan ng Metro Manila na makapagsagawa ng at least 90,000 test kada araw para mas makuha ang accurate na bilang ng kaso ng COVID-19.