Nasa 202,213 indibidwal o 50,676 pamilya sa anim na rehiyon sa bansa ang naapektuhan ng Habagat o Southwest Monsoon na nagdulot ng mga pag-ulan.
Ito’y ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kung saan ang mga apektadong indibidwal ay mula sa National Capital Region, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Western Visayas at Cordillera Administrative Region.
Sinabi pa ng NDRRMC na nasa 480 barangays ang naapektuhan ng habagat dahil sa Bagyong Fabian.
Aabot naman sa 244 barangay ang binaha, apat ang insidente sa dagat, tatlong insidente ng storm surge, landslide, rockslide, sinkhole, at mudflow sa walong rehiyon.
Tinatayang mahigit sa P100 milyon ang agrikultura na nawasak, P2.4 milyon sa imprastraktura habang 143 mga bahay ang napinsala. —sa panulat ni Hya Ludivico