Pumalo na sa 1,418,337 ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Pilipinas matapos makapagtala ang Department of Health ng 5,795 karagdagang kaso ng COVID-19.
Mayroong 3.6% o katumbas ng 51,567 na naitalang active cases sa bansa kung saan 91.0% dito ang mild, 3.8% ang asymptomatic, 1.5% ang critical, 2.1% ang severe at 1.56% ang moderate.
Samantala, nakapagtala rin ng 2,859 mga bagong mga gumaling habang 135 naman ang nadagdag sa mga nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 1,341,973 ang total recoveries at 24,797 naman ang total death dahil sa COVID-19. —sa panulat ni Hyacinth Ludivico