Umabot na sa higit 56,000 ang bilang ng naserbisyuhang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa inilunsad ng One Stop Shop sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Sa kalatas na inilabas ng Transportation department, may kabuuang 56,606 na mga OFWs ang natulungan ng mga One Stop Shop para maayos na maiproseso ang mga balik-bansang mga OFWs sa mandatory 14-day quarantine kontra sa nakamamatay na virus.
Sa naturang bilang, 34,753 na mga OFWs ay mula sa Terminal 1 ng NAIA, habang ang 21,853 na mga OFWs naman ay mula sa Terminal 2 ng paliparan.
Nauna rito, sinimulan noong ika-23 ng Abril ang operasyon ng mga One Stop Shop sa mga paliparan na layong tiyaking hindi maaabala ang mga balik-bansang mga OFWs sa pagpoproseso sa kanilang pagsailalim sa mandatory quarantine.