Mahigit 5,000 trabaho ang bubuksan sa mga International Cruise Ship at kailangang mapunan sa susunod na tatlong buwan.
Ipinabatid ito ng Department of Migrant Workers (DMW) kasunod na rin nang pagbubukas ng mga pantalan sa iba’t ibang bahagi ng mundo.
Ayon sa DMW, maraming Pinoy housekeepers, entertainers, cooks, plumbers at welders ang kailangan sa mga barko dahil halos wala nang Ukrainian seafarers dulot ng bakbakan pa rin ng Ukraine at Russia.