Nanatili pa rin sa iba’t ibang evacuation centers at hindi pa pinababalik sa kanilang mga tahanan ang nasa 5,773 pamilya o katumbas ng 20,178 na indibuwal sa Albay.
Dahil pa rin ito sa patuloy na pag-aalburoto ng bulkang Mayon sa lalawigan.
Batay sa pinakahuling tala ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) 408 pamilya ang nasa labas ng evacuation centers.
Habang 26 na barangay ang apektado mula sa walong munisipalidad sa probinsya.
Kaugnay nito, tiniyak ng ahensya na may sapat pang suplay ng family food packs at non-food items ang imbakan nito para sa pangangailangan ng mga pinalikas.