Nasa 5,784 na police assistance desk ang ipinakalat ng Philippine National Police (PNP) sa mga sementeryo sa bansa ngayong paggunita ng Undas.
Ito’y upang matiyak ang kahandaan ng mga otoridad sa pagtugon sa pagdagsa ng tao sa 4,769 sementeryo, memorial parks at mga kolumbaryo sa bansa.
Ayon kay PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr. mahigpit na inatasan nito ang kapulisan na panatilihin ang kaayusan at seguridad ngayong Undas.
Habang paalala naman ng PNP Chief sa publiko, sumunod sa mga patakaran ng mga sementeryo at huwag nang magdala ng ipinagbabawal na mga gamit. —sa ulat ni Tina Nolasco (Patrol 11)