Isinailalim sa state of calamity ang higit sa 60 na mga barangay sa Bayambang sa Pangasinan matapos na umatake sa taniman ng sibuyas ang mga armyworms o mas kilala sa tawag na harabas.
Ayon sa mga magsasaka, hindi na mapakinabangan pa ang nasa 1,500 hectares ng taniman ng sibuyas dahil anila’y pamiminsala ng mga peste ng taniman.
Dahil dito, gagamitin ng lokal na pamahalaan kanilang calamity fund para matulungan ang higit sa 1,400 na mga magsasakang naapektuhan ang mga pananim na sibuyas.
Bago nito, taong 2016 napabalita na ring naminsala ang mga harabas sa ekta-ektaryang taniman ng sibuyas sa probinsya.