Handang tumulong ang higit 60 Pilipino engineers at technicians na nagtatrabaho sa abroad para sa railway projects sa bansa.
Ayon kay Transportation Secretary Arthur Tugade ang mga ito ay kasalukuyang nagtatrabaho sa Bahrain, Qatar at Denmark.
Aniya, pumayag ang mga naturang propesyonal na tumulong partikular na sa Metro Manila Subway.
Dagdag pa ng kalihim, oras na masimulan na ang subway ay handa ang mga ito na umuwi sa bansa at tumulong para tuluyang matapos ang proyekto.
Matatandaang sinimulan na ng sektor ng transportasyon ang Metro Manila Subway noong buwan ng Pebrero ngayong taon.