Mahigit animnapung (60) Overseas Filipino Workers o OFW’s mula sa Jeddah, Saudi Arabia ang bumalik sa bansa kaninang umaga.
Ang mga nasabing OFW’s na dumating sakay ng PAL Flight PR 663 ay sinalubong ng Overseas Workers Welfare Administration o OWWA Repatriation Team.
Ang mga walang matutuluyang OFW’s ay mananatili muna sa OWWA shelter sa Metro Manila.
Samantala, binigyan na ng pamasahe pauwi sa kani-kanilang mga lalawigan ang ibang distressed OFW.
Magugunitang libu-libong OFW’s ang apektado ng Saudization program ng Saudi Arabia na pina-prioritize ang mga Saudi nationals para sa kanilang labor market.