Nananawagan ng tulong ang nasa 62 pamilya mula sa dalawang barangay sa Pilar, Sorsogon na nananatili pa rin sa mga evacuation centers.
Ito ay matapos masalanta at mawasak ng Bagyong ‘Tisoy’ ang kani-kanilang mga tahanan.
Ayon kay Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officer Arnol Lista, posibleng matagalan pa sa evacuation centers ang mga nasalantang pamilya dahil wala na silang mauuwiang bahay.
Sinabi ni Lista, nangangailangan ngayon ang mga nabanggit na evacuees ng sleeping bags, mga kumot at hygiene kits.