Karagdagang 615 bus units ang ipapakalat ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero sa Undas.
Ayon kay LTFRB Technical Division Chief Joel Bolano, may 256 application na para sa 615 additional units sa mga regular bus routes habang sa Biyernes ilalabas ang special permits para sa out-of-line operations.
Magsasagawa rin ang transportasyon ng inspeksyon sa Integrated Terminal Exchanges at maglalagay ng One-Stop-Shop Help Desk sa terminal. —sa panulat ni Jenn Patrolla