Mahigit 600 pulis ang ipinakalat ng PNP para magbantay sa pamamahagi ng ayuda sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila.
Ayon ito kay PNP Spokesperson Brigadier General Ronaldo Olay bilang dagdag puwersa na rin sa iba pang otoridad na nagbabantay sa ayuda distribution tulad ng Barangay officials.
Ipinabatid pa ni Olay na nakita mismo ni PNP Chief Guillermo Eleazar ang maayos na pamamahagi ng ayuda sa apat na lugar na pinuntahan mismo nito para makita ang sitwasyon.
Ayos naman lahat ay sumusunod sa pagpila o sa pagkuha ng kanilang mga ayuda at saka nakipag-enggage pa nga siya sa mga local leaders doon sa mga pinuntahang siyudad dito sa may San Juan, Mandaluyong , may Manila. Ang ating NCRPO naman ay naglapat din ang kanilang security sa bigayan ng ayuda at meron ngang 1,192 na personnel sa security elements natin. Syempre hindi naman lahat magagampanan iyan may katuwang tayo na mga barangay 603,” pahayag ni PNP Spokesperson Brigadier General Ronaldo Olay.