Nakatakdang magpadala ang Pilipinas ng 626 na mga atletang Pinoy para maglaro at makilahok sa 2021 SEA games sa Hanoi sa Vietnam sa November 21 hanggang December 2.
Ito’y sang-ayon sa dokumentong ibinigay ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham Tolentino kay Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William Ramirez.
Mababatid na lalahok ang mga atletang ipadadala ng Pilipinas sa 39 na sports events.
Sa mga ipadadalang atleta ng bansa sa Vietnam, 38 sa mga ito ay kalalakihan, habang 25 naman ay kababaihan.