Nasa 617 pamilya ang apektado ng mga granular lockdown sa NCR.
Ayon kay DILG Spokesperson Undersecretary Jonathan Malaya, 34 mga lugar sa Maynila ang naka-granular lockdown, 30 sa Quezon City, 27 sa Pateros at 10 sa Las Piñas.
Sinabi pa ni Malaya na umabot na sa 30,275 food packs ang naipamahagi ng Department of Social Welfare and Development sa iba’t ibang LGU’s sa NCR. —sa panulat ni Hya Ludivico