Isasailalim sa phase out plan ang higit 6,000 empleyado ng dating Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).
Ito ay bilang bahagi ng transition period ng bagong tatag na Bangsamoro Autonomous Region on Muslim Mindanao (BARMM).
Ayon kay Local Government Minister Atty. Naguib Sinarimbo, kailangan munang ayusin ang lahat ng tanggapan at ahensya sa ilalim ng BARMM.
Magbubukas naman aniya ng mga bagong trabaho at posisyon ang BARMM sa darating na buwan ng Enero sa susunod na taon.
Makatatanggap naman ng separation pay ang mga empleyadong maapektuhan ng phase out plan.
Maaari ring kumuha ang mga kawani ng early retirement bago matapos ang kasalukuyang taon.