Aabot sa 60,000 kabataang Pinoy ang namamatay sa Pilipinas kada taon bago pa tumuntong sa edad na 5.
Batay sa ulat ng United Nations Inter-Agency Group for Child Mortality Estimation (UN-IGME), dahilan ng pagkasawi ang iba’t ibang kumplikasyon gaya ng premature na panganganak, intra-partum, at pagkahawa sa alinmang sakit.
Sa kabila ng datos, papalo naman sa 25,000 sanggol ang ipinapanganak sa Pilipinas kada taon.
Sa buong mundo, nasa 5M bata ang naiulat na namatay bago ang kanilang ikalimang kaarawan, at 2.1M bata at kabataan na nasa pagitan ng edad 5 hanggang 24 ang namatay noong 2021.