Pumalo na sa 6, 252 drug suspect ang napatay sa kasagsagan ng laban kontra iligal na droga sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), hanggang Mayo 31 ay 345, 216 suspek na ang naaresto sa kabuuang 239, 218 drug operation sa bansa.
Sa bilang na ito, 4, 414 ang kabataang edad apat hanggang 17 ang na-rescue.
25, 361 barangay naman ang cleared na sa droga; 10, 112 ang hindi pa nalilinis sa droga at 6, 573 ang hindi apektado ng illegal drugs.
Sa kabuuan, nagkakahalaga na ng P89.79-B na droga ang nakumpisa ng pamahalaan.