Mahigit sa kalahati na ng target ng administrasyong Marcos na may kinalaman sa farm-to-market roads ang nabuo ng pamahalaan sa loob lamang mahigit isa’t kalahating taon.
Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa 131,410.66 kilometers na farm-to-market roads na nais nitong tapusin sa pagtatapos ng kanyang termino, nasa 67,328.92 kilometers ang naipagawa na.
Binigyang diin ni PBBM na malaking tulong ito para sa mas maayos na koneksiyon sa pagitan ng mga producer at ng merkado, na pakikinabangan ng mga nasa sektor ng agrikultura.
Tiwala naman ang pangulo na kakayaning mabuo ang mahigit 131,000 kilometer farm-to-market roads habang tuloy-tuloy din ang pagtatayo ng mga imprastraktura sa ilalim ng Build Better More o ‘BBM’. - mula sa ulat ni Gilbert Perdez (Patrol 13)