Mahigit 6,000 health care workers ang nakatanggap na ng booster shots.
Ayon ito kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje kung saan hanggang nitong November 18, nasa 6, 457 healthcare workers ang naturukan na ng booster shot kontra COVID-19.
Ipinabatid ni Cabotaje na ang National Capital Region (NCR) ang nakapagtala ng pinakamaraming healthcare workers na nabigyan ng booster shoot o nasa 2, 811 sunod ang Cordillera Administrative Region (CAR) na nasa 1,457 at Region 3 sa 1,541.
Patuloy pa aniya silang kumukuha ng data mula sa iba pang rehiyon hinggil sa mga health workers na naturukan ng booster shot na sinimulan nuong Miyerkules.