Higit pitong milyong estudyante sa buong bansa ang apektado ng Bagyong Ompong bago pa man ito nag landfall.
Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, ang mga apektadong estudyante ay matatagpuan sa 11 rehiyon kung saan sinuspinde ang klase, isinailalim sa storm warning signal at ginawang evacuation centers ang mga paaralan.
Kaugnay nito, siniguro ni Briones na mayroong nakalaang pondo ang ahensya para mag set – up ng learning spaces, clean – up, minor repair, magbigay ng hygiene kits para sa mga guro at estudyante gayundin para sa emergency school feeding.