Mahigit 70.8 million indibidwal na ang nakatanggap ng kumpletong bakuna laban sa COVID-19.
Batay sa huling datos ng National Vaccination Operations Center (NVOC), nabakunahan na rin ng first booster shot ang nasa 15,017,716 indibidwal.
Mahigit 800 naman na immunocompromised individuals edad 12 hanggang 17 ang nakatanggap na rin ng unang booster.
Higit 40% naman ng lahat ng rehiyon sa bansa ang ganap nang nabakunahan ng para sa kanilang target population na senior citizen o A2 priority group kung saan ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang nakapagtala ng pinakamamababang porsyento.
Samantala, nakikipag-ugnayan naman ang Department of Health (DOH) sa mga kaukulang tanggapan para sa pinal na bilang ng mga bakunang malapit nang mag-expire.