Mahigit 700 paaralan mula kinder hanggang kolehiyo sa South Korea ang pansamantalang ipinasara ngayong araw dahil sa banta ng Middle East Respiratory Sydrome (MERS) virus.
Ito ay makaraang umabot na sa 35 ang tinamaan ng MERS virus kung saan dalawa na ang nasawi.
Mayo 20 nang maitala ang unang kaso ng MERS virus sa South Korea kung saan isang 68-anyos na lalaki ang na-diagnosed matapos ang biyahe nito sa Saudi Arabia.
Kaugnay nito, apektado na rin ang turismo sa South Korea dahil sa MERS virus outbreak.
Ayon sa report, nasa 7,000 turista na karamihan ay mula sa China at Taiwan ang nagkansela na ng kanilang biyahe patungong South Korea.
By Ralph Obina