Pumalo na sa higit 700 ang naitalang kaso ng monkeypox sa buong mundo.
Sa nasabing bilang, 21 na ang naitala sa Estados Unidos kung saan 17 dito ang nagkaroon ng sexual intercourse sa kapwa lalaki at 14 ang pinaniniwalaang may travel history.
Pero ayon sa US Centers for Disease Control and Prevention (CDC), gumaling na ang mayorya sa mga ito at walang naitalang nasawi.
May hinala rin sila na dahan-dahan nang kumakalat ang nasabing sakit sa kanilang bansa.
Samantala, umabot na rin sa 77 na kaso ng monkeypox ang naitala ng Canada at karamihan sa mga ito ay na-detect sa probinsya ng Quebec.
Sa ngayon, may dalawa nang otorisadong bakuna kontra monkeypox, ang ACAM2000 at JYNNEOS na unang ginawa para labanan ang smallpox.