Mahigit 700 Persons Deprived of Liberty (PDLs) ang ligtas na naibalik sa Rizal Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) matapos ilikas ang mga ito bunsod nang pananalasa ng tropical storm Paeng.
Nabatid na mahigit 600 lalaki at mahigit 100 babaeng inmates ang inilikas noong Sabado.
Ayon kay Rizal BJMP Warden Jail Superintendent Alvin Gavan, nagbigay ng direktiba ang lokal na pamahalaan na ilikas ang mga malapit sa ilog dahil sa pagtaas ng tubig na dulot ng matinding pag-ulan.
Aminado naman si Galvan na hindi naging madali ang paglikas at pagbalik sa kulungan ng mga preso dahil sa mga security measures na kailangang gawin.