Higit 7,000 mga Law graduates ang nakatakdang kumuha ng bar examination ngayong taon.
Inaasahang dadagsa sa University of Santo Tomas o UST sa Maynila ang mga nagnanais na maging abogado para sa naturang exam na nakatakda sa apat na araw ng Linggo ngayong buwan.
Dahil dito, plantsado na ng Manila Police District o MPD ang ilalatag na seguridad sa loob at paligid ng naturang paaralan.
Katunayan, sinabi ni Manila Police District Director Chief Superintendent Joel Coronel, halos 800 mga pulis ang ipapakalat sa UST campus para maiwasan ang anumang untoward incident.
Mahigpit ring ipinagbabawal ang pagbebenta at pag-inom ng alak sa loob ng 100 metro mula sa UST habang isinasagawa ang bar exams.
—-