Umabot sa higit pitong libong tickets ang inilabas ng Police Regional Office (PRO) Caraga kasabay ng pagpapatupad ng “no plate, no travel” policy sa mga checkpoints ng nasabing Rehiyon.
Ayon sa PRO Caraga Regional operations Division (ROD) nasa 7, 368 na citation tickets ang inisyu sa mga motorcycle drivers, habang 25 naman sa mga nagmamaneho ng 4 wheel vehicles at 102 na motorsiklo ang na-impound sa paglabag sa nasabing polisiya.
Paliwanag naman ni PRO Caraga Region Director Police Brigadier General Pablo Labra na layon ng polisiya na maiwasan ang mga kaso ng moto napping at mga krimen na sangkot ang mga riding in tandem.
Nag-deploy naman na ang PRO Caraga ng mga pulis sa mga kalsada at komunidad nito para maglagay ng checkpoints at magkaroon ng police visibility.