Dumating sa bansa kahapon ang 793,900 doses ng Astrazeneca COVID-19 vaccine na donasyon ng German Government sa Pilipinas sa pamamagitan ng Covax facility.
Ito na ang ikalawang batch ng donasyong bakuna ng Germany matapos magbahagi ng 844,000 doses ng bakuna noong nakaraang buwan.
Nagpasalamat naman si Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez Jr. Sa mga donasyong bakuna at tiniyak sa World Health Organization na patataasin ang COVID vaccine coverage ng bansa.
Sa ngayon ay umabot na sa kabuuang 114.24 milyong doses ng bakuna kontra COVID-19 ang natanggap ng Pilipinas. —sa panulat ni Hya Ludivico