Inihayag ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) na natanggap na nila ang 75,107 o 69.68% na ng Election Returns (ERs) ang para sa kanilang isinasagawang parallel count sa Halalan 2022.
Nilinaw ni Commission on Elections (COMELEC) acting spokesperson John Rex Laudiangco na ang posibleng sanhi ng mismatch ay ang pagod ng volunteers kung kaya’t hindi na malinaw na nabasa ang mga numero.
Samantala, nabatid na hindi pa kasama dito ang ERs mula sa overseas voting.