Aabot sa higit 75,000 indibidwal ang lumahok sa ginanap na Career Service Examination-Pen and Paper Test (CSE-PPT) ngayong araw.
Ayon kay CSC Commissioner Atty.Aileen, ginanap ang unang CSC exam ngayong taon sa pitumpu’t pitong testing centers sa iba’t ibang lugar sa bansa.
Aniya, mayorya sa mga examinees ay mga empleyado ng pribadong sektor na nagnanais na magtrabaho sa tanggapan ng gobyerno.
Batay sa monitoring ng CSC, 7,178 examinees ang mula sa Region o mula sa mga probinsya ng Batanes, Cagayan, Isabela, Quirino at Nueva Viscaya.
Nabatid na naging maayos din ang daloy ng pagsusulit sa ilan pang rehiyon sa bansa.
Samantala, kinakailangang magpakita ng original o digital copy ng patunay na vaccination card (VaxCert) bilang patunay na nakakumpleto na ng bakuna kontra COVID-19. —sa panulat ni Abie Aliño-Angeles