Umabot na sa mahigit 400 na lugar sa bansa ang nananatili sa granular lockdown sa gitna ng pandemya.
Batay sa ulat ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año kay Pangulong Duterte, nasa kabuuang bilang ay mula sa 46 na lungsod at munisipalidad, at 272 mga barangay sa buong bansa.
Katumbas ito ng 7,000 household o 29,815 na indibidwal.
Naitala ang pinakamaraming lugar na nasa ilalim ng lockdown ay mula sa MIMAROPA na may 447 household, habang 35 naman na nakasailalim sa granular lockdown sa Metro Manila.
Samantala, kasabay ng pagluluwag ng Alert level sa National Capital Region (NCR) tumaas naman ang mga naitalang community health protocol violators.