Nakapagtala ng mahigit 7,000 suspected adverse reaction o side effects ang pamahalaan.
Ito’y matapos ang dalawang linggong pagbabakuna sa Pilipinas laban sa COVID-19.
Batay sa datos na inilabas ng Food and Drug Administration nasa 200K indibidwal na ang nabakunahan kontra COVID-19.
Mula sa halos 72,000 ang naturukan ng bakunang Astrazeneca, nasa tatlong libo rito ang pinaghihinalaang nakaraanas ng side effect habang 54 nag may seryosong side effect.
Habang nasa 5.19% naman ang adverse reaction rate ng British -Swedish vaccine habang nasa 2.21% ang adverse reaction rate ng Sinovac.
Naitala naman sa Metro Manila ang malaking bilang ng naitalang suspected adverse reaction.
Samantala, ipinaalam na ng FDA sa local distributor ng Sinovac at sa tanggapan ng kumpanya ng China ang nangyaring insidente sa isang health care worker.— sa panulat ni Rashid Locsin