Sumampa na sa mahigit walong milyon ang bilang ng mga nabigyan ng bakuna kontra COVID-19 sa Pilipinas.
Base sa datos mula sa National Vaccination Operations Center o NVOC, lumalabas na hanggang nitong Hunyo 18, 2021 ay umabot na sa 8,050,711 jabs ang na-administer sa iba’t ibang panig ng bansa.
Umabot naman sa 5,953,810 ang kabuuang bilang ng mga nabigyan ng unang dose ng bakuna.
Ayon kay National Task Force Against COVID-19 Chief Implementer Secretary Carlito Galvez Jr., mas paiigtingin pa nila ang national vaccination campaign ng pamahalaan.