Patay ang hindi bababa sa 110 katao, karamihan sibilyan sa patuloy na airstrike sa palengke sa Douma malapit sa Damascus, Syria.
Ayon sa Syrian Observatory for Human Rights, mahigit 300 iba pa ang sugatan, at posibleng madagdagan pa ang bilang ng nasawi dahil sa kritikal na kalagayan ng mga biktima.
Sinabi ni Rami Abdelrahman ng Syrian Observatory of Human Rights, na nitong nakaraang Miyerkules ay umabot sa 27 ang nasawi sa airstrike sa kaparehong lugar.
By Katrina Valle