84 na indibidwal ang nasawi dahil sa naranasang pagbaha sa Sudan.
Nalunod, nakuryente at natabunan ng gumuhong bahay ang sanhi ng pagkasawi ng mga biktima.
Ayon kay Abdel Jalil Abdelreheem, tagapagsalita ng National Council for Civil Defense, 67 naman ang sugatan mula sa 11 lugar sa nasabing bansa.
Nawasak ang mahigit 8,000 mga bahay at aabot sa 27,200 ang napinsala sa magkabilang panig ng nasabing bansa.
Karaniwang nakararanas ang sudan ng malalakas na pag-ulan sa pagitan ng Hunyo at Oktubre, at nahaharap sa matinding pagbaha taun-taon, na sumisira sa mga ari-arian, imprastraktura at pananim. —sa panulat ni Hyacinth Ludivico