Aabot sa mahigit 800 atleta ang ipadadala ng bansa para sa pagsabak sa 32nd Southeast Asian Games sa susunod na taon sa Cambodia.
Ito ang napagdesisyunan ng dalawang consultative meeting ng National Sports Associations.
Ayon kay Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham Bambol Tolentino, target nilang salihan ang lahat ng kompetisyon sa nasabing laro.
Nabatid na magsisimula ang Sea Games sa May 5 hanggang May 17, 2023 sa Cambodia.